Your Ad Here

Rocky Road ahead..

carlocarr's picture

Remember the girl na nililigawan ko, yung lageng topic ng blog ko? well kailangan ko humingi ng advice.. Unang una nagsisimula na akong ligawan siya kasi inamin ko na sa kanya na gusto ko pa rin siya eh.. pero hindi pa rin ganun kadale ang ang aking tatahakin para maging kame.. well eto ang kwento.. Si girl eh sinimulan ko ng tawagan at pormahan pero one time nalaman ko na kaya pala siya may load at nag sun kasi pinapasahan siya ng load ng ex niya(ibang ex from before) tapos nagtatawagan sila, well subagay hanggang phone lang sila nagkakausap kasi hindi naman taga skul namen yung ex niya..pero feeling ko mas matagal pa silang magusap sa phone kaysa sa amin, hindi pala feeling yun, sure yun.. tapos last saturday eh gumala si girl, ang kutob ko at malamang totoo na si ex ang kasama niya.. kailangan talaga malungkot na ako noon kaya lang ng sinabi kong tumawag siya eh tumawag naman siya sa house namen paguwe niya , so it means na hindi naman ako totalling walang pagasa.. so dahil sa selos,pinagpaliban ko ang pagbili ko ng Memory Stick Micro(wala munang MP3,huhu) para maidate siya sa MOA this coming Saturday, ang balak ko sana big time na date eh para di niya makalimutan at para magenjoy.. Niyaya ko na siya kaya lang ang sagot niya lage eh "itratry ko", kaya feeling ko kailangan this week may magawa man lang akong special para mapa-OO siya sa pagsama niya sa akin sa Sabado eh..What do you think guys na pwede kong gawing special this week para mapasama ko siya sa Sabado,importante kasi na sumama siya kasi ibubuhos ko na dun ang lahat eh..everything or nothing na sa Sabado..ang plano ko sana eh starting tomorrow bigyan ko siya ng small gifts tapos may message na naka-attach na "Will go out with me this Saturday?^_^" masyado bang baduy or corny? help naman mga espiya..plsss! at tsaka sa palagay niyo ba tama lang ng gumastos ng malake sa isang date na wala naman kasiguraduhan??
__________________________



deosh_pilyo's picture
Submitted by deosh_pilyo on Mon, 06/30/2008 - 10:19.

carlocarr.. nabasa mo ba yung blog ni brod solmyr about his date last few days? i think that was cute and very affordable yet class on its own way... isama mo yung SPA routine ha... anyway, goodluck sa iyo... just be true to yourself, you don't need to be showy or too cheesy... with your pure & noble intentions to her, i think you will win her heart! be bless...

__________________________

"The very BEST of ME is YET to COME!"

screamshot's picture
Submitted by screamshot on Mon, 06/30/2008 - 11:03.

okay lang yan..kaw na rin ngsabi, everything or nothing db?.. one time big time kung baga..hehehehe..kung gumastos ka man ng malaki, at least you did what is due and out of the best from you..and if you're thinking ng hindi nya mkakalimutan, u should figure out something na kakaiba db?..hehehehe..

solmyr's picture
Submitted by solmyr on Tue, 07/01/2008 - 06:51.

Onga carlocarr. Dapat be YOU. Alam mo kasi ang mga babaeng sadyang corny at cheezy yan. Kaya kung ano mang gawin mo, dapat bukal sa loob mo. Go ice-kating. Go watch a 3d movie. Go on a shopping spree sa Grocery at magFoodtrip kayo. Payo ko lang, dapat palaging may "ENJOY MOMENTS". Hindi yun sige lang ng sige.

Tulad kanina, lumabas na naman kami. Sinundo ko ulit siya kanina sa UP tapos ako galing PRC. Bago kami umuwi, kumain kami sa gusto niyang tikman na resto. Yun mga P99 steakhouse. Tuwang tuwa siya! Tapos may dessert kami. Binilan ko siya nun favorite niyang chocolate. Yun Cadburry na Fruit and nuts. Maliit lang naman na bar yun pero tuwang tuwa siya.

Give her something to remember you. Live your TRADEMARK on her.

Onga pala tuwing weekends may fireworks display ata jan. Masaya yun! ^__^

__________________________

carlocarr's picture
Submitted by carlocarr on Tue, 07/01/2008 - 07:49.

^what time? sabado at lingo? dati nagtanung ako sa espiya.net eh mga 7pm raw..totoo ba?

Submitted by kronny20ph on Tue, 07/01/2008 - 16:55.

Something special bro, something that she wont foget, pakita mo na mas deserving ka sa ex nya... but be true to yourself and dont pretend.... yung kasya lang sa budget but memorable.....

iniisip ko, how but lahat naman ng tao may creativity eh... so make you own styles...

goodluck......

solmyr's picture
Submitted by solmyr on Tue, 07/01/2008 - 20:33.

Basta gabi. Nagpapaputok sila sa may San Miguel Bay. Tapos may tulay dun at resto para panoorin yun Fireworks Display. Saglit lang yun. Basta gabi yun. Hehe oo mga 7 nga ata.

__________________________

wolfpaq's picture
Submitted by wolfpaq on Wed, 07/02/2008 - 07:14.

Naku binatang binata na talaga itong carlocarr... Hahaha..

Sa tingin ko ok ang mga advice ng mga co-spy natin. Ang titindi nga ng mga banat nila. Basta iwasan mong maging mag mukhang peke sa kanya. Be yourself ba kumbaga.. Lagi kang naka smile at dapat may positive na aura mula sayo.

Wow!

Ano yon? Dragon Ball Z o Ghost Fighter?

Goodluck... kwento mo sa Sunday kung anong nangyari sa date nyo.

__________________________

manoyihay's picture
Submitted by manoyihay on Sat, 07/05/2008 - 19:39.

carlocarr kumusta ang date? magandang umaga!

__________________________

ehttsebapnirgnayonipyps

Post new comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • You can use BBCode tags in the text, URLs will automatically be converted to links.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.

Your Ad Here