Ako'y naging trabahante ng gobyerno mula 1999 hanggang 2001. 2 years po akung naging empleyado ng gobyerno... ang masasabi ko lang sa mga empleyado ng gobyerno ay mga tamad! (pero hindi naman lahat, pero almost 95% tamad!) Wag po sana magalit ang mga empleyado ng gobyerno natin.
Noong una kong araw sa trabaho(opisina ng gobyerno), natural maiilang ka sa mga bago mong kasama. Pero napapansin ko parang nasa loob lang nang silid aralan. nagtsismisan, kanya-kanyang usapan o grupo-grupo! Ako naman seryoso sa trabaho. Kasi nga binigyan agad ako ng matatarabaho ko ng head namin. Medyo naiilang pa kasi ako sa mga kasamahan ko kasi nga baguhan.
Pero mga 2 weeks palang ako sa trabaho ko, mas lalo kong nakilala ang mga kaopisina ko. Andyan yung parating late sa trabaho, mas malaki ang oras sa break kay sa trabaho, mas malaki ang time sa tsismisan kay sa trabaho, andyan yung 3pm palang… wala ng trabaho. Inaantay na lang ang yung 5pm para uwian na.
Pag-late kasi may diskarte sila, yung record-in nila imbis oras ang isusulat eh ON FIELD ang ilalagay para sabihing galing sa field or project site bago pumasok sa opisina. Minsa naman pag gusto niyang umuwi ilalagay O.B.(Official Business) para lusot siya kung hahanapin ng boss. Para sa akin yung O.B. owi bahay ata ibig sabihin! Kaya nga pati ako nahahawa na minsan sa ganoong sistema!
Actually yung under the table sa gobyerno, hindi ko pa nararanasan yun o nagagawa yun kasi nasa engineering department kami. Pero yung mga kasama ko madalas ginagawa para sa madaliang kalakaran sa mga papeles. Andyan yung minsan nagpi-field ako, imbis magsupervise sa project, andun sa isang gilid natutulog. Mapapansin mo rin sa mga opisina ng gobyerno… maraming nagtsismisan. Kaya nga madalas yung mga papers na ipa-file mo hindi nila uunahin, mas uunahin pa yung tsismis. Yang mga papers na ipinasa nyo sa opisina kahit isang oras o isang araw matatapos yan kaso sa sobrang katamaran ipabukas pa nila yan o minsan isang linggo mo babalikan bago matapos nila imbis isang araw lang! Actually, kaya naman matatapos yan sa maiksing panahon. Hindi kasi istrikto ang gobyerno sa time of duration. Kaya nga mga tamad ang nasa gobyerno!
Kung gusto mong makapasok o makatrabaho sa opisina ng gobyerno? Madali lang kung iyo ang nanunungkulan(mayor, gobernor etc). Pero kahit matalino ka o cum laude ka man sa sikat na eskwelahan, di ka parin uubra kung hindi sa iyo ang nanunungkulan! Kumbaga palakasan lang or weather2x lang yan.
Kaya nga walang quality ang nagtatrabaho sa gobyerno! Puro mga tamad yung nasa gobyerno…. Kung sino yung may pinakamahirap na trabaho yung ang pinakamaliit na sweldo. At kung sino naman ang paupo-upo lang, yun ang pinakamalaking sweldo!
Kailan kaya mababago ang sistemang ganito?
__________________________


may napapansin ka ba sa kapaligiran, sa sosyalan, o anu pa man na gusto mong baguhin!...
isumbong mo kay 2fear!
Post new comment