Concern tungkol sa rakista at sa paglobo
ng populasyon ng mga posero.
Bakit nga pala nasa fashion
ang kategorya na ito?
para matamaan ang mga
mapoporma.
Ito ay aking opinyon
tungkol sa nasabing
Blog kaya't igalang ninyo ito. Kung
tamaan man kayo, ay wala akong magagawa.
Kasi, totoo.
Para saakin, ang pagiging rakista ay di
kailanman madadaan sa damit o itsura.
Ang kapal mo namang tawaging rakista ang
sarili mo basta asa banda ka lang o di
kaya alam nyo na tumugtog ng ilang rock
songs. Isaksak niyo yan sa utak niyo.
Kung rakista ka nga, di yan dapat asa
pananamit lamang. Asa lifestyle yan at paninindigan!
At kung sasali kayo sa banda, gain niyo
yun dahil sa pagmamahal sa musika at di
lang para maka-please at masabing
rakista ka.
FYI: Di ko kailanman tinawag na rakista
ang sarili ko. Misconception kasi na
basta asa banda ka na o marunong ka na
tumugtog eh RAKISTA
ka na kung maituturing. Pwede ba. Mas
proud ako sabihin na ako'y isang
simpleng gitarista lamang.
Saka, mas maganda eh wag na lang
magyabang. Hayaan na lang ang tugtog
ninyo na magsalita para sa inyo.
Saka, pwede bang tigilan nyo ang
pag-pose sa pictures na naka rock on na
sign, nakakabanas ang itsura ninyo!
Pag may naririnig akong nagsasbi na
rakista sila, ansarap pagbabarilin ng
mga poserong yun. Wag nga kayo mag-feeling!
Kilabutan naman kayo pag tinatawag
ninyong rakista ang sarili ninyo pero sa
loob loob ng bituka ninyo eh alam ninyong hinde!
Wag din kayo magsusuot ng mga t-shirt na
may bandang naka-print kung di nyo mismo
alam o kilala ang banda or artist na nakaprint dun!
masabi lang ba na rakista ka!?. Ansarap nonyong barilin!
Naku ha, sa lugar namin, dumadami na ang mga
posero. Wag ninyo idaan sa nakasabit na gitara sa
likod ninyo o baka naman walis lang ang laman nyan?
wag ninyo idaan sa buhok oo na, inubos mo na ang
gatsby para lang maganda ang bagsak ng bangs mo.
wag ninyo idaan sa dark fashion ang sarili niyo!
nakakahiya kayo nagmumuka kayong malaking libag sa
kanto ng subdivision namin!
wag niyo rin idaan sa pag tambay at pag-tugtog ng
acoustic sa kanto namin Ang hahangin ninyo. Eh puro
mainstream lang ang alam ninyo. cueshet pa ang
favorite nyo! pfft ayusin nyo mga buhay nyo.
Sa lahat ng mga tinamaan, buti nga.
Ma-enlighten nga kayo. Nabubulag na kayo
eh. Kung di ninyo ma-realize na posero
kayo,puwes ako na ang nagsasabi.
Ngayon, nalaman nyo na ang opinyon ko.
Wag kayong makiuso! Don't try to fit in
if you can't! Be yourself lang mga dude at dudettes.
-her
__________________________

for pinoyspy only *wink*
"nagmumuka kayong malaking libag" wtf?? hahaha
__________________________Gift from excon
buti nalang music lover ako, kaya anything goes hehe di na kailangang magpa-dress to impress look hehe....
__________________________hehehe,,,,,,,,,,,
pag ganito ka ba pasado na para maging rakista?
http://www.pinoyspy.net/node/2606
__________________________buti na lang mga pinapakinggan ko backstreet boys, boyzone, M2M, at Moffats... :lol: :barf: :lol:
__________________________natatawa din ako sa mga nagpopormang "emo", la lang. usually naman ang mga nagdadamit tulad ng rappers or rockstars e dahil fan sila nung band/artist na yun & that's how they dress generally. tingin ko di mo naman kailangan maging magaling na gitarisa, maging member ng rockband o maging rapper para lang makapagdamit ka din ng ganun. ako i'm a fan of various genres of music basta it sounds good. i dress like a "normal" person, nothing baggy, nothing too tight & too small. baka kasi isipin mong guilty ako sa blog mo. I find nothing wrong kung may magdamit na rocker or kahit ano pa man. di ko rin magets ang mga ibang tao na naiinis sa ganun. rock, hiphop etc are music genres, not fashion. natawag lang silang pormang rakista or hiphop kasi that's how the artists generally dress up. may mga ibang tao na nagagandahan sa ganung porma, I don't blame them. may time naman talaga maganda itsura pumorma mga rappers and rockers. why not dress up like that if it looks good on u dba? mas naiinis pa ko sa mga chubby na nagffitted shirts or skinny people na nagdadamit ng loose. just my 2 cents.
ok lang naman sa akin kung rakista ang isang tao...
__________________________pero bilib ako sa dalawang porma hip hop at gothic ... kung hip hop dapat yung bigatin tulad ni snoop dogg may wheels may girls at lots of money ... sa gothic marilyn manson kasi weird siya i like weird stuff,d ako sure kung gothic talaga ito hehehe ...
ang nakakatawa eh yung mga pumoporma na naka jersey pero am blvd lang naman binili... haha... tapos uni silver lang ang pala ang gamit... cheap...
i dont blame the people na mahilig pumormang rakista-kuno.. ahehehe.. syempre yung iba dun sumusunod sa idol nila eh, lahat naman tayu may idol, kung tayu di natin sila ginagaya pero yung iba trip nila gayahin ang porma nila, let them be.. sari-sariling trip lang yan, ikaw magagalit ka ba kung may lumait ng porma mo? syempre maooffend ka.. kaya let them be.. buti pa ako hindi na ako nagdadamet para walang away..ahahahaha.:p
bato-bato sa langit ang tamaan magagalit. :-P
__________________________ehttsebapnirgnayonipyps
mostly na pumoporma ng ganun is mga highschool lang naman eh.. pagbigyan na natin ang mga bata.. dumaan din tayo diyan.. kung ano uso sunod tayo hehe
pag tanda ng mga yan.. maiisip din nila na ang baduy pala nila dati hehe
__________________________sus...
bakit nang gagalaiti???
pera nila yung pinangbili nila ng damit na yun.
kung gusto nila pumorma ng rakista o hiphop hayaan nyo sila...
magalit ka kung ang pinangbili nila eh ninakaw sa bulsa mo... kung gusto nilang magpaka wanna be hayaan nyo...
BUHAY NILA YON!
p.s.
hindi ako rakista nor hiphop nor goth o emo... lahat ng music trip ko.
ako lang po si zaraki... nag tatanggol sa mga nakikiuso. hahahaha.
peace!
original?
http://yazor.multiply.com/journal/item/11/Feeling_Rakista_Ka_Ba
natatawa ako pag naririning ko yang word na yan'rakista'.. whoever coined that term is so stupid. tama si kurabo karamihan naman ata e mga nasa hi-skul years pagbigyan nyo na lng at yan tlga ang time ng pageexperiment, looking for one's identity,lahat tayo nagdaan diyan.ang mahalaga hindi sila nakakagulo sa lipunan.
__________________________[img width=240 height=192]http://i146.photobucket.com/albums/r271/SKApinoy/taxi_driver.gif[/img]
wow bat ganun? mukang pareho yata ah
__________________________Gift from excon
tama ka masmalala pa kung pumorma kesa sa mga bandang tumutugtog sa tage kung minsan. kaya ayaw ko nang pumunta sa mga major concerts. dati lagi ako nanonood kaso dami nang mga nakakainis na posers.
nag lagay po ako ng source sa baba siya si hershey.
to follow ang link.
__________________________di pala si leightot original e!
ok sa topic naman, tama si x zaraki kenpachi x, hayaan nyo na lang sila.. yun naman ang gusto nila.
kung naaasar ka sa kanila dahil ganun pananamit nila, marahil naiingit ka lang kase sila napapansin at ikaw hindi or pwede ding hindi mo lang tipo yung trip nila.. kanya-kanyang trip lang yan, masaya sila sa ginagawa nila at sinusuot nila kahit na hindi na mukhang kaayaaya!
buti na lang ako simple lang..
__________________________Hehehehe... mukhang kasama yata ang panggagalaiti mo sa sinasabing "pogi rock", na aminin man natin o hindi, e may fans din. Andiyan na yan e. Mabuti na lang meron pa ring tinatawag kong "panget rock!" (Flaming Tilapia band ni Tado?)
Toleration na lang naman. Pera naman nila (sana) ang ginagasta nila sa porma nila e. On that note, alam ko nung 80's kapag punk ka, dapat do-it-yourself accessories mo at damit (safety pin na nakaburda sa black jacket) at hindi Tribal o Hot Topic. Dati mga holidays lang ang commercialized, pati music at beliefs ngayon kasama (Che Guevara anyone?)
OT:
2 radio shows I'd like to recommend:
A. The Morning Zoo Crew - 103.5 FM (dating K-Lite)
King DJ Logan and Theta News (yung dating taga-Magic 89.9)
B. Blue Rats - 99.5 Hit FM (dating RT)
Si Tado at si Angel Rivero, a.k.a. Erning (partner niya sa Strangebrew, TV show nila dati sa UNTV na binili na ni Eli Soriano.)
(Sensiya na if mukhang out-of-topic mga ideas ko. Bumulagta lang lahat kasi.)
__________________________Inggit sa long hair ko.
[img width=240 height=192]http://i146.photobucket.com/albums/r271/SKApinoy/taxi_driver.gif[/img]
Live Tilapia nga pala... Hehehehe... I stand corrected. Anyway, my point is, rock is an attitude towards music, and that defines it as a genre. Rock should not be commercialized, because much of its history is steeped in rebellion and actions against authority.
__________________________Inggit sa long hair ko.
Post new comment