grabing taas ang presyo ng bigas... lalo pang pinataas dahil sa panic buying!
tsk..tsk...tsk..! kawawa talaga tayong mga pinoy! pati ba naman sa pagkain... talunan tayo?
grabe na to! pero ako nagpapasalamat... dahil bumaba ang timbang ko dahil half cup rice na lang kinakain ko para makatipid...
ito medyo pumayat ng konti! lol!
tingnan mo ang mapa ng Pilipinas... ang lalawak ng palayan...
may rice shortage ba talaga? sa tingin ko ... wala! may nag sasabotahe lang sa ekonomiya natin...
ang gaganda ng kalidad ng mga bigas natin... pero ang binibili natin eh yung mababa ang kalidad! pano nangyari yun?
sa pagkaka-alam ko... yan daw ang tinatawag na black market!
yung bigas natin na magaganda ang kalidad... binibinta o ini-export sa ibang bansa tulad ng amerika... o sa china! para masuplayan ng bigas yung mga lugar na wala masyadong palayan... at mahal ang kanilang bili... so malakaing kita yung mga nasa gobyerno natin! sila kasi ang hawak sa pag-i-export!
kaya tayo tuloy ang nagkaka rice shortage... kaya dyan pumasok yung bigas na mababa ang kalidad na galing sa ibang bansa... yan yung nfa... na kahit lutuin mo ng maayos parang di pa rin luto!
tsk..tsk..tsk... dami talagang sakim sa ating gobyerno!
tayong mga mahihirap na mamamayan ang mas lalong naghihirap!
pero tanong ko lang mga kaespiya?
bakit reklamo tayo na tumataas ang presyo ng bigas... kung iisipin mo... kung bibili ka ng isang sakong bigas na nagkakahalaga ng 1,500... eh sa buong dalawang linggo mo naman makukunsumo...
samantalang ang alak eh isang gabi lang... 1,500 mo... wala kang reklamo tapos nagbibigay pa ng sakit sa ulo....
bakit kaya? sang-ayun ka ba?
__________________________


may napapansin ka ba sa kapaligiran, sa sosyalan, o anu pa man na gusto mong baguhin!...
isumbong mo kay 2fear!
Post new comment