“Beauty is only skin deep, but it's a valuable asset if you're poor or haven't any sense.”
by Kin Hubbard

Ang kagandahan ng isang tao ay mahihintulad sa isang bulak na kay sarap pagmasdan at hawakan. Ngunit bakit ang daming tao ang naghahangad ng magandang mukha, maghangad ng magandang hubog ng katawan o makinis na balat. Ito ba ang sukatan ng ganda dito sa lupang ating sinasadlakan.
Marami ang nagsasabi na kung hindi ka maganda hindi ka mabubuhay dito sa mundo. At kung hindi ka maganda ay hindi ka makakatagpo ng tunay na pag-ibig. Marami din ang nagsasabi na kung gusto mo matanggap ng tao dapat ay magpaganda, magsuot ka ng magarang kasuotan, make-up na kay kapal kapal, mga kwintas na naglalakihan na parang sampaguita na nilalagay sa mga santo, mga singsing na akala mow na parang maghahamon ng suntukan, mga hikaw na napakarami na akala mo mga toro mayroon sa ilong, sa bibig, sa tenga, sa kilay ng mata.
Ito ba ang sinasabi na kagandahan o luho lang.
Ang “Skin Deep” ay isang magandang halimbawa at totoong senaryong nangyayari ngayon sa panahon natin. Sa dami ng nagsusulputan na mga spa salons, mga cosmetic surgeons tulad nila Vicky Belo at Dr. Calayan, mga iba’t ibang pagreretoke nandyan ang Breast Augmentation ,Saline Breast Implants, Silicone Breast Implants, Cohesive Gel Breast Implants, Tummy Tuck Surgery – Abdominoplasty, Vaginal Rejuvenation – Labiaplasty at kung ano ano pang mga pagpapaayos ang gusto mo! Posible na!
Ang pitong personalidad na naging simbolismo sa bawat tao na mayroon ngayon. Nakita ko ang aking personalidad kay Amor, Marikit at kay Pipay. Una, si Amor, isang babae na ang tangi lamang hiling ay gumanda at tanggapin nang kanyang mga anak. Si Amor ay masayahing tao, dinadaan ang lahat ng natatago niyang mga lihim at hinanakit sa mga anak niya sa pagiging cool, palakaibigan at relax. Si Amor ay masasabing ko ay nagtataglay ng matapang na aura at kahit nag-iisa siya nagsisikap siya na maging masaya at kinakaya ang pagsubok. Nakita ko ang parte ng personalidad ko sa kanya masasabi ko napakamasayahin kong tao, kinakaya ko ang lahat ng bagay na kahit alam kong pagod na ako ay titiisin ko para mameet ko ang expectation ng nasa paligid sa akin.
Madami din akong problema sa pamilya tulad ni Amor ngunit hindi ko pinapahalata o brinibring out yun mga bagay na may kinalaman sa aspeto n un. Sunod ay si Marikit, si Marikit ay masasabi kong babae na alam kung ano ang gusto niya sa buhay, hindi niya hangad ang sexy na katawan o ang hubog na pamdiyosa nais lamang niya ay mabawasan ang taba na dulot ng kanyang trabaho na at nais pa rin niya ay mawala ang mga natirang taba sa kanya sa pamamagitan ng exercise.
Nakikita ko ang sarili ko kay Marikit, dahil ako yong tao na alam ang gusto ko sa buhay walang lalabis walang kukulang. Nais ko dati bakit ang daming tao ang nais ay ang buhay na instant lahat. Instant pagkain, pera, pag-ibig lahat kulang na lang instant mabuhay muli. Hindi ba nila naiisip na masarap ang buhay kung ikaw ay nagtitiyaga at sa bawat tulo ng pawis at sakit o kurot na iyong nadadama ay may gantimpala na iyong matatamasa. Ako iyong tipo na gusto ko malaman ang mga bagay in the hardest way.
At ang pangatlo ay si Pipay, siya ang gusto ko sa lahat ng tauhan hindi lang dahil sa kanyang natatanging boses na parang paos kung hindi ang pagiging natural na kanyang pag-arte at ang kanyang problema sa pag-ibig. Tulad ni Pipay, gusto ko din makatagpo ng lalake na magmamahal sa akin ng totoo kung baga ba “TRUE LOVE”. Mahirap man o matagal man handa akong maghintay. Ang pinakita ni Pipay na pagpapaayos ng ibang parte ng kanyang katawan ay upang maging presentable siya at upang makatagpo na siya ng lalake na magmamahal sa kanya. Naisip ko din tama nga wala namang lalake ang magmamahal ng hindi presentable manumit at naging bilib ako sa sagot ni Pipay na kahit kalian ay hindi siya pagpapatagal ng kanyang ari “Stay ang kanyang pututoy”. Isa yan sa manipestasyon na meron pa rin delikadeza bilang tao si Pipay. Hinahambing ko siya sa akin dahil ang nais ko ay isang pag-ibig na tatanggapin din sa akin kung ano ako at hindi kung papaano ako pinaganda ng mga iba’t ibang kolerete sa mukha.
Ang kasabihan ni Kin Hubbard na sinasabi na kung ang isa tao ay maganda o may taglay na kagandahan ay mayroon pa rin siyang “K” sa mundong ito kahit mahirap siya o hindi man siya matalino o wala man siyang kwenta. Pero ganito ba talaga ang dapat ang kahulugan ng kagandahan? Sa opinyon ko, hindi nababase ang kapasidad o maging asset ng tao kung maganda lamang ang kanyang panlabas na kaanyuan. Dahil ang ganda nalulusaw o kumukulubot din ang mukha pero ang nasa kalooban o ang karakter ng isang tao ay mas importante.
__________________________
Are you Krizzette A.......?
__________________________Gift from excon
Nice blog! Marami sa atin gusto talaga ng maganda o ka aya ayang itsura. Pero para sakin, ang tinitignan ko ng maigi eh yun personalidad. Pero shempre may mas "K" kung okay na personalidad mo, okay pa itsura mo. ^__^
OT: Pansin ko dumarami ang female blogger ah! Good work Krizette! ^__^
Back to topic, living a BEAUTIFUL life means living life ti the fullest and positive outlook in physical, emotional, and spiritual. Di bali ng panget ka, basta marunong kang makisama. Panget ka na nga, pangit pa ugali mo. Edi kasuka suka na yun di ba? ^__^
__________________________krizzywhizzy, try reading Nick Joaquin's "Candido's Apocalypse". ^o^
-smiley v Seravi (^,^)
27th of April, 17th Sunday of 2008
Overkill - "Because you can never be too careful."
__________________________Yes, its true, panget na nga tapos panget ang ugali ahahha.,..
Saklap naman nun... hhehehe
opo...i will read the bok Candido's Apocalypse..
Thank You for your compliment....
I will also read the blogs you made..
thank you have a good day
Post new comment