Your Ad Here

Direct Financial Subsidy sa mga Mahihirap, Sang Ayon ka ba?

solmyr's picture

Nilagay ko na lang ito sa categoring politics kasi politika lang naman ang agenda nito.

Ala-sais pa lang ng umaga ay bumabangon na ako para makakain ng masarap at mainit na kanin na may kasamang sunny-side up egg at kahit anong pinoy ulams. Mula tocino, longganisa hanggang hotdogs at Ma-ling. Pagkatapos nito ay manonood na ako ng Unang Hirit (kasi ch7 lang meron akong malinaw na service sa TV sa kwarto ko). Pagkatapos nito eh magdamag na akong aantabay hanggang 8 dahil magstart naman ang Spongebob sa ch 5 (mejo malinaw ang 5 samin kasi 5 mins drive away lang kami sa ABC 5 building).

Isa sa mga inaabangan ko ay mga latest news at chicka (break na raw si Heart at Echo! Tara manligaw na tayo kay Heart!). Pero ang kinatuwa ko kanina ay ang boses ni Pareng Oca. Nagkaron ng palaisipan ang utak ko about sa issue ngayon. At eto ang headline ng Blog ko, "Direct financial subsidy sa mga mahihirap, sang ayon ka ba?"

Ibig sabihin nito eh parang nahulugan ng biyaya ang kababayan nating mahihirap. Mabibigyan sila ng Bigas kada buwan at P300 every month at dadagdag pa ng P300 per child ng nanay (maximum of 3 children, dapat nag-aaral ito at complete ang attendance ng bata na pumapasok sa school). Di ba ang sayang tignan? Parang nabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mahihirap na ito na kasing hirap ng daga?

Para sa akin eto ang opinion ko. It's not helping at nawalan ng Dignity ang pamilyang ito. Ibig kong sabihin eh parang binayaran sila. Ang masaklap pa nito ay paniguradong maraming aasa dito at marami ang magiging TAMAD. Di ba dapat mas maganda kung taasan na lang nila ang bonus ng mga manggagawa para magtrabaho sila ng maigi? O kaya lagyan ng incentives ang mga mahuhusay gumawa ng kanilang mga trabaho. Ang daming pwedeng trabaho ng mga nanay na nasa bahay lang. Pwede silang magtinda, pwede silang magnegosyo, pwede silang maghanap ng trabaho sa diyaro! Talagang napaka tamad lang ng mga Pinoy ngayon.

Sabi ni Pareng Oca eh ang gawin na lang sana ng gobyerno eh tanggalin ang VAT temporarily. Kayo mga espiya't espiyo, sang ayon ba kayo sa temporary removal of VAT? Ang VAT na tinutukoy ko dito ay ang VAT sa tubig, kuryrente, pagkain, damit at iba pang bilihin.

Para sa akin, magtatrabaho na lang ako ng mahusay at makikitak-tak na lang ako kina bossing kung nasa bahay lang ako tulad ng mga nanay ngayon na nasa bahay lang. Di ba?

FYI: Minsan na akong sumali sa "Boses ng Masa" at nanalo ako ng limpak limpak na grocery goods. Totoo ito. ^__^ Trip trip lang naman eh. Natuwa ako kasi napili ang pangalan ko.
__________________________



Post new comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • You can use BBCode tags in the text, URLs will automatically be converted to links.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.

Your Ad Here