Nilagay ko na lang ito sa categoring politics kasi politika lang naman ang agenda nito.
Ala-sais pa lang ng umaga ay bumabangon na ako para makakain ng masarap at mainit na kanin na may kasamang sunny-side up egg at kahit anong pinoy ulams. Mula tocino, longganisa hanggang hotdogs at Ma-ling. Pagkatapos nito ay manonood na ako ng Unang Hirit (kasi ch7 lang meron akong malinaw na service sa TV sa kwarto ko). Pagkatapos nito eh magdamag na akong aantabay hanggang 8 dahil magstart naman ang Spongebob sa ch 5 (mejo malinaw ang 5 samin kasi 5 mins drive away lang kami sa ABC 5 building).






